04.26.2016

Meet Godley Malabanan…

Siya ang kauna-unahang gumawa ng Girls’ Love na comic book na inilimbag ng Black Ink. Ang World Canvas ang pinakamakapal na ginawa niyang proyekto pagkatapos ng mga SHORTCUTS na Keeping the Heart Close at Ang Tigre at Ang Kuneho. Kung nais ninyong malaman kung sino-sino ang mga artist na nag-inspire sa kanya, heto ang mga sagot niya…

13090348_1033493096731524_86022258_n
TRIVIA: Gumagawa rin si Godley ng iba’t ibang proyekto para sa ibang bansa at indie group.

Madaming artist ang nag-iinspire sa akin. Pero ang pinaka-nag-iinspire talaga sa akin ay sila Sidu, Akiakane, Kuroboshi Kouhaku, at Fuzichoco. Namamangha ako sa skills nila sa paggawa ng composition, background at character designs.

Para naman sa pagsusulat, ang mga idol ko ay sila Itou Hachi, Takeyama Jin, at Yotsuhara Furiko.

photo1

Favorite kong magbasa ng mga yuri manga pero nagbabasa rin ako ng iba’t ibang genre tulad ng shounen, romance at gore. Wala akong specific titles na maibibigay para sa ‘faves’ ko dahil madami akong series na sinusubaybayan at hanggang ngayon hindi ko pa sila nabibigyan ng rank sa isip ko. Wala rin sa koleksiyon ko ang mga titles na iyon dahil marami sa kanila ang hindi pa licensed in English.

photo2

Pero kung tatanungin ako kung anong libro ang pinaka-gusto ko sa aking manga collection, iyon ay Kisses, Sighs and Cherry Blossom Pink ni Milk Morinaga. Ang libro na iyon ay koleksiyon ng mga GL one-shots. ^q^

 

 

Advertisements