05.31.2016

Meet Gino Pornasdoro…

He is among the male writers of Black Ink. His first published book was Love Scheduler, followed by Date With the Prince of Hell, Blood With Benefits, and recently The Girl in White Dress. If you’re wondering who inspired him to write and which books does he reads here’s what we can share…

gino
TRIVIA: Gino is good in writing stories with Romance but he loves reading Shounen manga.

Si Ohba Tsugumi (author ng Death Note at Bakuman). Siya ‘yong nag-inspire sa ‘kin magsulat ng manga. Actually ‘yong manga talaga niya na Bakuman ang naging trigger ng interest ko. Kasi no’ng napanood ko iyon na-inspire ako gumawa ng  manga story (na kahit kailan hindi sumagi sa isipan ko). Since hindi ako marunong mag-drawing kaya challenge talaga sa ‘kin ngayon ang pagiging writer ng manga. Pero iniisip ko na lang na magiging successful rin ako kagaya ng mga manga author sa Japan na story lang ang sa kanila na gaya ni Ohba Tsugumi.

gino 1gino 2

One Piece ang paborito kong basahin sa lahat! Nalaman ko ang anime/manga na ito noong grade school pa lang ako; noong ipinapalabas ito sa TV tuwing hapon. Nagagandahan kasi ako sa mundo ng One Piece kasi halo-halo ito (may dinosaur, giant, dragon, sky island, etc. pero hindi nagiging off sa main theme). Pero ang pinakagusto ko sa One Piece ay ‘yong Art of Foreshadowing (gawa-gawa ko lang po ‘yong term na iyan). Napaka-powerful talaga ng foreshadowing kasi nakakatulong ito para ma-expand ang storyline ng isang manga na hindi nagkakaroon ng feeling na parang ipinilit lang para madugtungan. Kahit na die-hard fan ako ng One Piece eh dalawang volume lang ang meron ako ng manga nito kasi ‘yon lang ang abot ng pera ko. ^_^

 

Advertisements