06.28.2016

Meet Nald Tabuzo…

Isa si Nald Tabuzo sa mga manunulat ng Black Ink na kayang magsulat ng western at eastern style na comics. Kabilang sa mga una niyang kuwento ang series na The Reapers, Bloodhounds, at X.O. – The Fighting Senadora. Sumunod na mga sinulat niya ang mga SHORTCUTS na Chichiru, For a Pair of Legs, Rose, Some Sweat, Some Love, Fearless, A Trip to Mierville, Xana, Hashtag Love, Hashtag Time, Hashtag Riva, at The Rocker and The Balladeer. Naging bahagi rin si Nald ng mga proyektong base sa mga Precious Hearts Romances na pocketbooks. Isinulat niya ang comics manuscript ng Wandering Heart, Blue Nights, My Favorite Bully, at An Encounter to Love. Bukod pa doon ang mga naisulat niyang stand-alone na comics na Z at Dark Sun Treasure. Sa dami ng nagawa niyang istorya masasabing prolific writer na siya. Pero sa tingin namin hilig lang talaga niya ang pagbabasa at paggawa ng mga kuwentong kakaiba. Kung nais ninyong malaman paano siya nagsimulang magsulat, heto ang sagot niya…

IMG_20160628_094352
TRIVIA: Nald Tabuzo also uses the pen name Kuting na Basa.

Sa local comics ako nag-start magsulat. Walang partikular na writer na masasabi kong naka-inspire sa ‘kin. I think, nagsimula ang interes ko sa writing o storytelling sa Funny Komiks. As a kid kasi, parang dinadala ako nito sa ibang mundo. Lumalawak ang imagination ko. And in the process, gusto ko na ring lumikha ng ibang mundo—na ma-cre-create ko lang through writing.

Sa manga, I could say na late bloomer ako. Bago sa ‘kin ang mundong ito, at hanggang ngayon, patuloy pa rin akong nag-aaral sa iba’t ibang aspeto nito. Mas nakakapanood ako ng anime kaysa nakakabasa ng manga. Recently, natapos kong basahin ang “Your Lie in April”—sa online lang.  Nagustuhan ko ang kainosentihan at kaseryosohan ng manga.

nald books

Karamihan, galing sa Komikon at Black Ink ang koleksiyon ko ng graphic novels o manga. Hindi ako ‘yong serious collector talaga. Since I write scripts, parang given na magkaroon ako ng mga gawa ng ibang artists o writers para mabasa ko rin sila, at suporta rin kasi ito sa kanila. ‘Yong bulk nito, nakuha ko from 2012 to present. Sana, dumami pa ang raket para mas madagdagan pa sila. ^_^

Advertisements