Black Ink Has a New Trilogy

Inilabas ang My Grandfather’s Last Wish noong Abril 2014. Isa iyon sa pinakamasayang araw para kay Sita dahil inilabas ang kauna-unahang libro na iginuhit niya sa Komikon. Iyon rin ang kauna-unahang beses na pumunta siya sa Komikon event.

Ang My Grandfather’s Last Wish naman ang kauna-unahang isinulat ni Reira Francisco na sixty pages na hindi Fantasy. Makalipas ang dalawang taon maaaring nagulat o nalito ang ibang nakabasa ng  MGLW dahil nagkaroon ng sequel ang istorya at iyon ay may pamagat na My Grandmother’s Wish List.

Narito ang ilang impormasyon tungkol sa dalawang libro.

1977151_779554035389952_5030156372320791198_n

10154156_779554672056555_8647391769675847097_n

 

Q and A with Reira Francisco

Q: Saan nagsimula ang concept ng My Grandfather’s Last Wish?

A: Kinuha ko ang concept ng My Grandfather’s Last Wish sa popular fairy tale na Cinderella. Kailangang maghabol ng oras ni Zander sa paghahanap sa kanyang prinsesa (fiancée) bago pa sumapit ang alas dose ng gabi ng kanyang kaarawan kung hindi mawawala lahat ng bagay o pag-aari na dapat ay sa kanya. Kaya kung mapapansin ng mga nakabasa na ng MGLW sa unang bahagi ng kuwento ang hawak na story book ni Mr. Cho na binabasa niya sa apo niyang si Zander ay ang kuwento ni Cinderella. Dito kasi talaga nag-ugat ang lahat ng nangyaring pagsubok sa buhay ni Zander at kung paano niya natagpuan ang kanyang mahirap pero may mabuting kalooban na prinsesa na si Aiko Hotaru.

Q: May sequel ang My Grandfather’s Last Wish na My Grandmother’s Wish List, may karugtong pa ba ito? Maaari mo bang ibahagi ang proseso or steps sa pagbuo ng mga kasunod na kuwento?

A: Opo, may karugtong pa ito. Ang My Godfather’s Death Wish na kailangan nilang abangan! Hmm, hindi tulad ng unang kuwento ng My Grandfather’s Last Wish na binase ko sa fairy tale story, ang My Grandmother’s Wish List ay binase ko naman sa araw-araw na nangyayari sa buhay ng mga estudyante. Na kailangan mag-aral ng mabuti para magkaroon ng magandang kinabukasan. Ang My Godfather’s Death Wish naman ay tungkol sa pamilya at pagmamahal ng magulang sa kanyang anak. Iyong concept ng trilogy ay tungkol sa “wishes” o mga kahilingan na nagpabago sa buhay ng mga happy-go-lucky o spoiled brats na characters na sina Zander, Lanz, at Lavie.

Q: Sino ang mga inspirasyon mo sa pagbuo ng characters at plots ng stories mo?

A: Ang naging inspirasyon ko sa pagbuo ng mga characters lalo na ng mga babaeng characters ko ay ang iba’t ibang “DERE.” Mapapansin ang kakaibang pagkatao o ugali ng tatlong heroine. Sa mahihilig sa anime alam nila ang sinasabi ko. Sa plot naman siguro Japanese culture and tradition like arrange marriage, kendo, yakusa, etc. Pero dahil naman ito sa nasimulan ko na sa MGLW na half Japanese na si Zander na Yutaka ang apelyido. Naiba lang ito pagdating sa My Grandmother’s Wish List dahil sa kaibigan ni Zander na si Lanz na naka-focus ang kuwento.

Q: How was it working with the illustrator?

A: Sobrang saya! Ha-ha! Hindi ako nahirapan sa kanya pero sana hindi siya nahirapan sa akin. Napakasuwerte ko kasi siya ang nag-drawing ng mga kuwento ko.

Q: Kunwari makakausap mo ang mga characters mo may message ka ba sa kanila?

A: Ayaw ko silang makausap gusto ko maging ako sila! Ha-ha. That’s why I’m doing the cosplaying of Sita’s character heroine. Gano’n sila tumatak sa akin just like the manga or anime na minahal ko. Pero kung makakausap ko sila ang sasabihin ko lang, “Puwede bang magpa-picture?”

Q and A with Sita Alvarez

Q: Noong nalaman mo na magiging trilogy ang My Grandfather’s Last Wish may mga paghahanda ka bang ginawa para dito?

A: Hindi ko po sure kung paghahanda iyong tawag dito pero po kasi noong natanggap ko iyong manuscript na My Grandmother’s Wish List, tinatrabaho ko na po iyong An Encounter To Love. Pero habang ginagawa ko po iyon, sobrang excited na din ako na mai-drawing iyong story ni Lanz kaya ginawa ko na agad iyong mga character designs sa MGWL. I think noong ginagawa ko na iyong My Grandmother’s Wish List, mas prepared na ako kasi medyo gamay ko na iyong Manga Studio 5 by that time, pero mabagal pa din ang aking drawing process. Tapos noong sinabi din na magkaka-part three na, hinanda ko na din iyong mga posibleng designs ng magiging leading lady sa pangatlong libro.

Q: Ano-ano ang mga challenges na naranasan mo sa pagbuo ng My Grandmother’s Wish List? Paano at gaano katagal ang proseso ng pagbuo nito kompara sa naunang kuwento?

A: *nervous laughing* Feeling ko ang daming challenges na naranasan ko sa pagbuo ng My Grandmother’s Wish List at hindi lang dito, sa lahat ng manga na na-drawing ko, he-he, mostly internal problem. Madalas umatake iyong art block sa akin, ilang beses pa akong hindi nasa-satisfied sa drawing ko, iyong tipong gusto kong ulitin mula umpisa ma-perfect ko lang, saka iyong mga background sa scenes na hindi ko mai-drawing nang maayos. Iyong pinaka-challenge ko, iyong frustration ko sa sarili ko na wino-workout ko naman but somehow it takes time. *hikbi*

Isang malaking dahilan kung bakit ang bagal ng pag-drawing ko ay iyong proseso. Kung ikokompara sa process ko doon sa My Grandfather’s Last Wish, mas mabilis ang pagkakagawa ko doon, inabot ng three months, iyong sequels, inabot ng lampas six months. Hindi ko alam kung dahil naka-traditional drawing ako sa first project ko unlike sa mga sumunod na naka-digital na talaga ako. Patawad po. But I’m trying my best I swear. *desperate*

Q: Ano ang inspirasyon mo sa pagbuo ng characters sa trilogy? May mga paborito ka bang anime or manga character na naging inspirasyon mo sa pagbuo ng mga characters dito?

A: Iyong inspirasyon ko sa pagde-design ng characters ay base lang din doon sa nababasa ko sa manuscript. Iyong tingin kong babagay sa personality ng characters. Kay Zander, tinulungan ako ng editor namin sa design, may pinakita siyang hairstyle at iyon iyong naging inspirasyon ko para mabuo siya. Kay Aiko, nasa description na nakapusod ang hair niya, at nakalugay naman noong naka-maid uniform. Sila Lavie at Lanz, inspired sila doon sa OC ko dati sa isang maikli at walang kuwentang komiks ko na si “Senpai.” Parang hinati ko iyong hairstyle n’on at dinistribute kina Lavie at Lanz. Hindi ko naman din in-expect na magkaka-sequel iyong dalawa kung alam ko lang binonggahan ko pa sana iyong design nila. Iyong dalawang girls naman, humingi ako ng idea sa writer na si Ms. Reira kung ano iyong nai-imagine niyang hairstyle sa kanila at doon ako kumuha ng inspirasyon para mabuo ang disenyo nila. Hairstyle ang pinakauna kong iniisip sa pag-design ng characters, kasi para sa ‘kin ito iyong pinakamagdadala sa kanila.

Q: Ano ang masasabi mo sa mga characters ng trilogy? At sino sa mga character na iyong ginuhit ang talagang nagustuhan mo at tumatak sa ‘yo?

A: Masasabi ko sa kanila na, “Sila na may love life! Mayaman na sila may love life pa. Ang unfair ng buhay, ah!” Ha-ha-ha, joke lang, love ko silang lahat, masaya ako na nakamit nila ang mga kalagayan nila sa buhay at mapera sila. Iyon talaga, eh, mapera. *bitter*

Feeling ko si Zander ang pinakatumatak sa akin at talagang may soft spot ako sa kanya at kay Aiko, kasi sila ang pinakauna kong nai-drawing for Black Ink. Sila ang parang pinaka-baby ko. Sa kanila nagsimula ang lahat (naks!). Pero pagdating sa pinakapaborito, si Lavie iyon, sa My Grandfather’s Last Wish kasi parang siya iyong naging kontrabida sa buhay si Zander, naging obstacle sa mana niya. Pero kahit na gano’n feeling ko mabait naman si Lavie, at mas may K na patakbuhin iyong business… sorry Zander!

Q: Sa huli at ikatlong bahagi ng trilogy, ang My Godfather’s Death Wish, may mga characters ka ba na ginawa na kakaiba at dapat nilang abangan?

A: Uhm, feeling ko, mas iba itong part three kompara sa first two ng Wish Trilogy. Iyong part one, mala Cinderella type, iyong part two, high school life, itong part three, may mga Yakuza naman, mas matimbang iyong element ng drama, sana mapaiyak ko iyong magbabasa, hehe. Abangan sana nila ang love story ni Lavie. Sana matapos ko na ito at mabasa din ng readers iyong huling part ng Wish Trilogy.

WISHes characters.png

Advertisements