Poster Boy: Fair and Square (Volume 2)

Code: BIC0112
Genre: Boys’ Love / Slice of Life
Price: 99.75
Pages: 64
Paper: bulky
Size: 6 x 9 inches

Poster Boy: Fair and Square (Volume 2)
Written by Herbs Navasca
Illustrated by Rica Angela Padullo

Ako si Sy, ang bagong poster boy ng St. Roche High School. Kahit natanggal ko sa trono niya si Pascal, magkaibigan pa rin naman daw kami. Although minsan hindi ko alam kung ano’ng nasa isip niya. Minsan pakiramdam ko may tinatago pa rin siyang galit sa akin. Minsan hindi ko alam kung nag-aalala ba talaga siya o gusto lang niya akong tuksuhin, asarin, galitin, o torture-in.

Hindi ko alam.

Pero bakit ko ba pag-aaksayahan ng oras na isipin kung ano ang nasa isip niya? May sarili rin akong mga problema.

Besides, magkaibigan lang naman kami.

Magkaibigan… lang.

 

Mga Walang Panahong Diyos ng Pag-ibig

mga walang panahong diyos ng pag-ibig

Code: BIC0062
Genre: Fantasy / Boys’ Love / Slice of Life
Price: P99.75
Pages: 64
Paper: bulky
Size: 6 x 9 inches

Mga Walang Panahong Diyos ng Pag-ibig
Written by Herbs Navasca
Illustrated by Kirejan Javier

Dear Kerbi,

Maraming puwersa sa mundong ito ang hindi mo kayang kontrolin at kalabanin. Nariyan ang puwersa ng pag-ibig, ang pag-iisip ng mga mambabasa, at lalong-lalo na ang puwersa ng aking kapangyarihan. Kaya kung ako sa ‘yo ay magdadasal na ako sa lahat ng puwedeng dasalan para lang matapos iyang manuscript na napakatagal ko nang pinapatapos sa ‘yo. Siguruhin mo lang na ‘sing husay iyan no’ng huling kuwento na i-s-in-ubmit mo noong nakaraang taon pa.

Tigil-tigilan mo muna ang pagfe-Facebook at paglalakwatsa nang may matapos ka kahit isang chapter man lang. Alam kong hindi biro ang magsulat, pero naman?! Friends tayo sa Facebook at nakikita ko ang mga post mo! Hindi pa ba sapat ang pagpunta-punta mo sa beach at pagse-selfie kung saan-saan?! Hindi ka pa ba nakakahanap ng inspirasyon?!

Bilisan mo at mayroon din akong deadline sa publisher!

Nagmamahal,

Editor

Preview Room: https://www.facebook.com/media/set/?set=a.818712411474114.1073741907.479112765434082&type=3

Earth 0

earth 0

Code: BIC0061
Genre: Fantasy / Boys’ Love / Slice of Life
Price: P99.75
Pages: 64
Paper: bulky
Size: 6 x 9 inches

Earth 0
Written by Herbs Navasca
Illustrated by Jana Dhel

Huwag mong hahayaan na lokohin ka nila. Mabilis ka nilang papalitan, pilit na babaguhin. Pero iba ka sa kanila. Patunayan mo na iba ka. Kahit gaano pa katagal, maghihintay ako. Sa isang sulok ng kalawakan hanggang sa dulo ng magpakailanman. Hindi kita buburahin sa isip ko. Ang alaala natin ang gabay mo.

R.E.M. 14.644956, 121 003507

Preview Room: https://www.facebook.com/media/set/?set=a.793605713984784.1073741898.479112765434082&type=3

Guniguni

guniguni

Code: BIC0058
Genre: Boys’ Love / Slice of Life
Price: P99.75
Pages: 64
Paper: bulky
Size: 6 x 9 inches

Guniguni
Written by Herbs Navasca
Illustrated by Reah Padullo

Kaunti lang ang batas ko sa buhay.

1. Gawin ang trabaho ko nang mahusay.

2. Hindi ko babanggain ang taong nagbabayad sa akin.

3. Walang tanong-tanong. Walang konse-konsiyensiya.

Kung kaya mo ang presyo ko. Nanakawin ko ang kahit ano para sa ‘yo. Mabilis. Malinis. No trace. Kaya ang tawag nila sa akin ay Guniguni.

Preview Room: https://www.facebook.com/media/set/?set=a.775964159082273.1073741889.479112765434082&type=3

Poster Boy

poster boy

Code: BIC0057
Genre: Boys’ Love / Slice of Life
Price: P99.75
Pages: 64
Paper: bulky
Size: 6 x 9 inches

Poster Boy
Written by Herbs Navasca
Illustrated by Rica Angela Padullo

Ako si Pascal, ang poster boy ng St. Roche High School. Halos tatlong taon kong pinaghirapan ang titulo bilang pinakamahusay sa lahat ng special classes ng pinakaprestihiyoso at mamahaling private school sa bansa. Pero dumating si Sy. Isang bagitong ubod ng yabang na inakala mo kung sino!

Galing ba siya sa ibang bansa? Mayroong private tutor sa lahat ng subjects? Bakit parang sisiw lang sa kanya na gawin ang mga pinaghirapan ko?

Mayroon nga ba talagang mga likas na mahusay? Mga natural ang galing at tikas? Nakukuha ang mga gustong makuha nang hindi pinaghihirapan? Talaga bang sadyang nilikhang hindi pantay-pantay ang mga muffins sa mundo?

Hindi ako papayag! Kailangang makita ko ang kahinaan ni Sy.

O si Sy na ba ang magiging kahinaan ko?

Preview Room: https://www.facebook.com/media/set/?set=a.747719958573360.1073741885.479112765434082&type=3