Fairies Wheel: Epic Feil (Volume 3)

1377560_687215207957169_999004513_n

Code: BIC0048
Genre: Fantasy / Mystery
Price: P79.75
Pages: 64
Paper: white
Size: 6 x 9 inches

Fairies Wheel: Epic Feil – Volume 3
Written by Randy Valiente
Illustrated by Jon Ashlee Santos

Naghahanda sa isang malaking labanan ang pinuno ng mga fairy na si Feil. Ito ay upang bawiin ang Fairies’ Wheel sa isang mahiwagang yungib. Marami ng nagbuwis ng buhay sa kanyang mga ninuno nang mapunta ang ‘gulong’ sa kuwebang iyon. Ngayon ay haharapin niya ang kalabang hindi niya alam kung sino, o ano.

Bago pa man masulat ang kasaysayan ng mga tao, ang kuwento ni Feil ang isa sa pinakamahalagang epiko sa mga unang pagkakatuklas ng Fairies’ Wheel.

Preview Room: https://www.facebook.com/media/set/?set=a.687255921286431.1073741870.479112765434082&type=3

Advertisements

Fairies Wheel: Calvert’s Discovery (Volume 2)

1004717_620611921284165_1173035339_n

Code: BIC0043
Genre: Fantasy / Slice of Life
Price: P79.75
Pages: 64
Paper: white
Size: 6 x 9 inches

Fairies Wheel: Calvert’s Discovery – Volume 2
Written and Illustrated by Randy Valiente

Kailangan ni Calvert ang kanyang buong panahon para gugulin sa pagtuklas ng matagal nang hinahanap—ang Gulong ng Daigdig o Fairies’ Wheel. Nalaman niyang ito ang sagot sa lahat ng katanungan sa buong sangkatauhan, ito rin ang nakakaalam ng nakaraan at ng hinaharap.

Ipinagpalit niya ang pamilya at trabaho niya para sa paghahanap sa Gulong ng Daigdig.

Ito ay kanyang matatagpuan… at ito ang magpapabago ng kanyang buhay. Magpakailanman.

Preview Room: https://www.facebook.com/media/set/?set=a.620987447913279.1073741838.479112765434082&type=3

Fairies Wheel: Pearl of the Hill (Volume 1)

66693_573701349308556_300347937_n

Code: BIC0014
Genre: Fantasy / Romance
Price: P79.75
Pages: 64
Paper: white
Size: 6 x 9 inches

Fairies Wheel: Pearl of the Hill – Volume 1

Written by Randy Valiente
Illustrated by Jon Ashlee Santos

Nagkasala si Faerius sa batas ng mga lambana. Nahatulan siya na ipadala sa daigdig ng mga tao bilang kaparusahan. Ngunit hindi naging bilangguan ang daigdig sa kanya, bagkus ay umibig siya sa isang mortal, si Pearl.

Nagkaroon sila ng anak. Matapos ang sampung taon, tinanggal na ng hari ang parusa kay Faerius. Ang malaking tanong sa kanya ngayon, babalik pa ba siya sa daigdig ng mga lambana o mananatili siya sa piling ng kanyang pamilya?

Preview Room: https://www.facebook.com/media/set/?set=a.573741179304573.137274.479112765434082&type=3

The Drama Supernova / The Door in Stephen’s Head / Night Creatures

[BIC0036]Shortcuts

Title: SHORTCUTS – VOLUME 8 – The Drama Supernova / The Door in Stephen’s Head / Night Creatures
Code: BIC0036
Genres: 
Psychological / Fantasy / Slice of Life / Anthology
Price: P79.75
Pages:
64 (20 pages each story)
Paper:
white
Size:
6 x 9 inches
Type: 3-in-1 Comics
Language: English

The Drama Supernova
Written by Ashlene Javier
Illustrated by Jim Jimenez

Hindi akalain ni Pauline na magagawa siyang ipagpalit ng artistang boyfriend na si Fabian Romualdez sa isang hamak na starlet na si Maia Magdayao. Ang naisip niyang paraan ng paghihiganti—ang ipakulam si Maia. Kampante siyang hindi matutukoy ng sinuman na siya ang may pakana n’on. Ngunit nagkamali siya ng akala.

The Door in Stephen’s Head
Written by Ron Mendoza
Illustrated by Randy Valiente

May nakitang isang maliit na pinto sa noo niya si Stephen nang minsang maalimpungatan siya. Bumukas ang pinto at mula roon ay isang maliit na lalaki ang lumundag. “Sino ka? Ano ka?” tanong niya rito. Sumagot ito. At lalo pang naging kamangha-mangaha ang gabing iyon para kay Stephen.

Night Creatures
Written by Rosahlee Bautista
Illustrated by Arnel Avetria

Ang mga Ungo at Mangaluk ay mga kakaibang nilalang na nakatira sa kagubatan. Isang gabi ay dinukot ni Balkat ang isang buntis na babae dahil nais niya itong maging asawa. Ngunit tumanggi ang babae na siyang sanhi ng kamatayan nito. Ang hindi alam ni Balkat ay kamatayan niya rin ang kapalit ng kanyang ginawa.

Preview Room: https://www.facebook.com/media/set/?set=a.632848383393852.1073741847.479112765434082&type=3