Whose Ship is Sailing?

(A Ship Me Not Manga Review)

by Daryll Hanna Dulay

Ship Me Not is a 60 pages Tagalog manga published under Black Ink. It is written by Reira Francisco and illustrated by Jana Dhel. The writer of Fake Job and the illustrator of Andy is Andrei are now joined together to create a romance genre. With this two, they are able to create an exhilarating story to read.

ship-me-not-front-cover

The story of Ship Me Not is about Martin and his best friend, Jero, who fell in love with the same girl. In the beginning of the story, Martin was about to confess to Jena (the female lead) when Jero suddenly came and ask him to relay his love letter to Jena. The story became more interesting as it goes on when Jena overheard Martin and Jero talking about Jero’s plan of confession. However, the only part Jena heard is Martin saying:

“Gusto ko sanang malaman mo na… May gusto din ako—”

(I want you to know that. I also like—)

As a fujoshi, it hyped our female lead to push the two to be together.

Aside from the exciting storyline, the illustration greatly contributes to the manga. It was drawn magnificently neat and beautiful. The layout is perfect. It prevents the reader from being lost in direction. Great scenes were boldly emphasized by giving it a larger portion of the page. Even the dialogue balloons were perfectly placed near the speakers. As for the characters, the cover page says it all. But am I the only one who loves manga in black and white? If the characters printed in colored (cover page) looks good, you will fall in love more with their appearance in black and white.

Regarding the writing, even the title screams creativity. The title Ship Me Not makes you want to find out why it was titled like that, who was being shipped, or why he/she does not want to be shipped. When you finished the manga, you’ll realize that the title makes sense and it has something to do with the persona of the story. About the dialogues, they were written in simplistic way which is actually good because the story sets in regular days in school, and being written in informal conversation gives it a comfortable and realistic vibe.

Overall, Reira Francisco and Jana Dhel combined is a good one. Their creativity creates a good manga which readers would want to put in their manga collection. Still, I think the plot of the story deserves a series of manga to elongate the story and emphasize the scenes of the three lead characters. From my view, the manga is not just a love story. It is also about being a fujoshi and how women can support the same sex relationship. However, I am not giving away the story. Everyone deserves to discover how the story went. So I am only leaving you a question. Who do you think ended up with whom? Martin and Jena, Jero and Jena, or Martin and Jero?

Buy This Book

More Information

 

Advertisements

Ibong Adarna Reimagined

IA

Code: BIC0147
Genres: Romance / Adventure / Comedy
Price: P189.75
Pages: 128
Paper: bulky
Size: 6 x 9 inches
Status: Complete
Type: Comics

Ibong Adarna Reimagined
Written by Reira Francisco
Illustrated by Peachy Balais

Paano kung imbes na ituring na isang kompetisyon ang paghahanap sa Ibong Adarna ay nagtulungan ang tatlong prinsipe para mahanap ang lunas sa sakit ng kanilang amang hari?

Ang Ibong Adarna Reimagined ay base sa korido na isinulat noong panahon ng mga Kastila. Ito ay nahahati sa dalawang bahagi: Ang Paghahanap ng tatlong prinsipe sa ibon na makakapagpagaling sa hari ng Berbania at ang mga pagsubok na hinarap ni Prinsipe Juan sa kaharian ng Reyno De Los Cristales.

Ang librong ito ay hindi alternatibong pamalit sa opisyal na Ibong Adarna. Ito ay paglalahad lang ng ibang bersiyon na maaaring pumukaw sa imahinasyon ng mambabasa.

Preview Room: https://www.facebook.com/pg/BLACKINKBOOK/photos/?tab=album&album_id=1847920245219987 

My Godfather’s Death Wish

My Godfather's Death Wish - front

Code: BIC0135
Genres: Comedy / Drama / Romance
Price: P99.75
Pages: 64
Paper: bulky
Size: 6 x 9 inches
Status: Complete
Type: Comics

My Godfather’s Death Wish
Written by Reira Francisco
Illustrated by Sita Alvarez

Nagpasya si Lavie Yutaka na balikan ang dating buhay pagkatapos ng paghirang kay Zander—pinsan niya at mahigpit na kakompetensiya—bilang bagong chairman ng Yutaka Corporation.

Hindi pa nga natatapos ang araw ng kanyang pagkabigo, isang hindi inaasahang balita ang dumating. Nalaman ni Lavie na may taning na ang buhay ng kanyang godfather na si John Yutaka at may gusto itong ipagawa sa kanya bago ito pumanaw.

Ano ang death wish ni Mr. John at paano niyon mababago ang buhay at pag-ibig ni Lavie?

Preview Room: https://www.facebook.com/pg/BLACKINKBOOK/photos/?tab=album&album_id=1603670296311651

Ship Me Not

ship-me-not-front-cover

Code: BIC0128
Genres: Comedy / Romance / Slice of Life
Price: P99.75
Pages: 64
Paper: bulky
Size: 6 x 9 inches
Status: Complete
Type: Comics

Ship Me Not
Written by Reira Francisco
Illustrated by Jana Dhel

Si Martin at Jero ay magkaibigan simula pa noong mga bata sila.

Si Jena naman ang babaeng parehong nagustuhan ng dalawa.

Pero ang sabi ni Jena mas gusto niyang magkatuluyan sina Martin at Jero.

Paano o sino ang magkakaroon ng happy ending sa kuwento nila?

Preview Room: https://www.facebook.com/479112765434082/photos/?tab=album&album_id=1323456194333064

Black Ink Has a New Trilogy

Inilabas ang My Grandfather’s Last Wish noong Abril 2014. Isa iyon sa pinakamasayang araw para kay Sita dahil inilabas ang kauna-unahang libro na iginuhit niya sa Komikon. Iyon rin ang kauna-unahang beses na pumunta siya sa Komikon event.

Ang My Grandfather’s Last Wish naman ang kauna-unahang isinulat ni Reira Francisco na sixty pages na hindi Fantasy. Makalipas ang dalawang taon maaaring nagulat o nalito ang ibang nakabasa ng  MGLW dahil nagkaroon ng sequel ang istorya at iyon ay may pamagat na My Grandmother’s Wish List.

Narito ang ilang impormasyon tungkol sa dalawang libro.

1977151_779554035389952_5030156372320791198_n

10154156_779554672056555_8647391769675847097_n

 

Q and A with Reira Francisco

Q: Saan nagsimula ang concept ng My Grandfather’s Last Wish?

A: Kinuha ko ang concept ng My Grandfather’s Last Wish sa popular fairy tale na Cinderella. Kailangang maghabol ng oras ni Zander sa paghahanap sa kanyang prinsesa (fiancée) bago pa sumapit ang alas dose ng gabi ng kanyang kaarawan kung hindi mawawala lahat ng bagay o pag-aari na dapat ay sa kanya. Kaya kung mapapansin ng mga nakabasa na ng MGLW sa unang bahagi ng kuwento ang hawak na story book ni Mr. Cho na binabasa niya sa apo niyang si Zander ay ang kuwento ni Cinderella. Dito kasi talaga nag-ugat ang lahat ng nangyaring pagsubok sa buhay ni Zander at kung paano niya natagpuan ang kanyang mahirap pero may mabuting kalooban na prinsesa na si Aiko Hotaru.

Q: May sequel ang My Grandfather’s Last Wish na My Grandmother’s Wish List, may karugtong pa ba ito? Maaari mo bang ibahagi ang proseso or steps sa pagbuo ng mga kasunod na kuwento?

A: Opo, may karugtong pa ito. Ang My Godfather’s Death Wish na kailangan nilang abangan! Hmm, hindi tulad ng unang kuwento ng My Grandfather’s Last Wish na binase ko sa fairy tale story, ang My Grandmother’s Wish List ay binase ko naman sa araw-araw na nangyayari sa buhay ng mga estudyante. Na kailangan mag-aral ng mabuti para magkaroon ng magandang kinabukasan. Ang My Godfather’s Death Wish naman ay tungkol sa pamilya at pagmamahal ng magulang sa kanyang anak. Iyong concept ng trilogy ay tungkol sa “wishes” o mga kahilingan na nagpabago sa buhay ng mga happy-go-lucky o spoiled brats na characters na sina Zander, Lanz, at Lavie.

Q: Sino ang mga inspirasyon mo sa pagbuo ng characters at plots ng stories mo?

A: Ang naging inspirasyon ko sa pagbuo ng mga characters lalo na ng mga babaeng characters ko ay ang iba’t ibang “DERE.” Mapapansin ang kakaibang pagkatao o ugali ng tatlong heroine. Sa mahihilig sa anime alam nila ang sinasabi ko. Sa plot naman siguro Japanese culture and tradition like arrange marriage, kendo, yakusa, etc. Pero dahil naman ito sa nasimulan ko na sa MGLW na half Japanese na si Zander na Yutaka ang apelyido. Naiba lang ito pagdating sa My Grandmother’s Wish List dahil sa kaibigan ni Zander na si Lanz na naka-focus ang kuwento.

Q: How was it working with the illustrator?

A: Sobrang saya! Ha-ha! Hindi ako nahirapan sa kanya pero sana hindi siya nahirapan sa akin. Napakasuwerte ko kasi siya ang nag-drawing ng mga kuwento ko.

Q: Kunwari makakausap mo ang mga characters mo may message ka ba sa kanila?

A: Ayaw ko silang makausap gusto ko maging ako sila! Ha-ha. That’s why I’m doing the cosplaying of Sita’s character heroine. Gano’n sila tumatak sa akin just like the manga or anime na minahal ko. Pero kung makakausap ko sila ang sasabihin ko lang, “Puwede bang magpa-picture?”

Q and A with Sita Alvarez

Q: Noong nalaman mo na magiging trilogy ang My Grandfather’s Last Wish may mga paghahanda ka bang ginawa para dito?

A: Hindi ko po sure kung paghahanda iyong tawag dito pero po kasi noong natanggap ko iyong manuscript na My Grandmother’s Wish List, tinatrabaho ko na po iyong An Encounter To Love. Pero habang ginagawa ko po iyon, sobrang excited na din ako na mai-drawing iyong story ni Lanz kaya ginawa ko na agad iyong mga character designs sa MGWL. I think noong ginagawa ko na iyong My Grandmother’s Wish List, mas prepared na ako kasi medyo gamay ko na iyong Manga Studio 5 by that time, pero mabagal pa din ang aking drawing process. Tapos noong sinabi din na magkaka-part three na, hinanda ko na din iyong mga posibleng designs ng magiging leading lady sa pangatlong libro.

Q: Ano-ano ang mga challenges na naranasan mo sa pagbuo ng My Grandmother’s Wish List? Paano at gaano katagal ang proseso ng pagbuo nito kompara sa naunang kuwento?

A: *nervous laughing* Feeling ko ang daming challenges na naranasan ko sa pagbuo ng My Grandmother’s Wish List at hindi lang dito, sa lahat ng manga na na-drawing ko, he-he, mostly internal problem. Madalas umatake iyong art block sa akin, ilang beses pa akong hindi nasa-satisfied sa drawing ko, iyong tipong gusto kong ulitin mula umpisa ma-perfect ko lang, saka iyong mga background sa scenes na hindi ko mai-drawing nang maayos. Iyong pinaka-challenge ko, iyong frustration ko sa sarili ko na wino-workout ko naman but somehow it takes time. *hikbi*

Isang malaking dahilan kung bakit ang bagal ng pag-drawing ko ay iyong proseso. Kung ikokompara sa process ko doon sa My Grandfather’s Last Wish, mas mabilis ang pagkakagawa ko doon, inabot ng three months, iyong sequels, inabot ng lampas six months. Hindi ko alam kung dahil naka-traditional drawing ako sa first project ko unlike sa mga sumunod na naka-digital na talaga ako. Patawad po. But I’m trying my best I swear. *desperate*

Q: Ano ang inspirasyon mo sa pagbuo ng characters sa trilogy? May mga paborito ka bang anime or manga character na naging inspirasyon mo sa pagbuo ng mga characters dito?

A: Iyong inspirasyon ko sa pagde-design ng characters ay base lang din doon sa nababasa ko sa manuscript. Iyong tingin kong babagay sa personality ng characters. Kay Zander, tinulungan ako ng editor namin sa design, may pinakita siyang hairstyle at iyon iyong naging inspirasyon ko para mabuo siya. Kay Aiko, nasa description na nakapusod ang hair niya, at nakalugay naman noong naka-maid uniform. Sila Lavie at Lanz, inspired sila doon sa OC ko dati sa isang maikli at walang kuwentang komiks ko na si “Senpai.” Parang hinati ko iyong hairstyle n’on at dinistribute kina Lavie at Lanz. Hindi ko naman din in-expect na magkaka-sequel iyong dalawa kung alam ko lang binonggahan ko pa sana iyong design nila. Iyong dalawang girls naman, humingi ako ng idea sa writer na si Ms. Reira kung ano iyong nai-imagine niyang hairstyle sa kanila at doon ako kumuha ng inspirasyon para mabuo ang disenyo nila. Hairstyle ang pinakauna kong iniisip sa pag-design ng characters, kasi para sa ‘kin ito iyong pinakamagdadala sa kanila.

Q: Ano ang masasabi mo sa mga characters ng trilogy? At sino sa mga character na iyong ginuhit ang talagang nagustuhan mo at tumatak sa ‘yo?

A: Masasabi ko sa kanila na, “Sila na may love life! Mayaman na sila may love life pa. Ang unfair ng buhay, ah!” Ha-ha-ha, joke lang, love ko silang lahat, masaya ako na nakamit nila ang mga kalagayan nila sa buhay at mapera sila. Iyon talaga, eh, mapera. *bitter*

Feeling ko si Zander ang pinakatumatak sa akin at talagang may soft spot ako sa kanya at kay Aiko, kasi sila ang pinakauna kong nai-drawing for Black Ink. Sila ang parang pinaka-baby ko. Sa kanila nagsimula ang lahat (naks!). Pero pagdating sa pinakapaborito, si Lavie iyon, sa My Grandfather’s Last Wish kasi parang siya iyong naging kontrabida sa buhay si Zander, naging obstacle sa mana niya. Pero kahit na gano’n feeling ko mabait naman si Lavie, at mas may K na patakbuhin iyong business… sorry Zander!

Q: Sa huli at ikatlong bahagi ng trilogy, ang My Godfather’s Death Wish, may mga characters ka ba na ginawa na kakaiba at dapat nilang abangan?

A: Uhm, feeling ko, mas iba itong part three kompara sa first two ng Wish Trilogy. Iyong part one, mala Cinderella type, iyong part two, high school life, itong part three, may mga Yakuza naman, mas matimbang iyong element ng drama, sana mapaiyak ko iyong magbabasa, hehe. Abangan sana nila ang love story ni Lavie. Sana matapos ko na ito at mabasa din ng readers iyong huling part ng Wish Trilogy.

WISHes characters.png

My Grandmother’s Wish List

vergil bk 2 cover

Code: BIC0123
Genre: Romance / Comedy / Slice of Life
Price: P99.75
Pages: 64
Paper: bulky
Size: 6 x 9 inches
Status: Volume 2 of 3
Type: Comics

My Grandmother’s Wish List (sequel of My Grandfather’s Last Wish)
Written by Reira Francisco
Illustrated by Sita Alvarez

Si Lanz Rosalez ay isang happy-go-lucky na walang inatupag kundi ang pagbubulakbol at pakikipagbarkada.

Isang araw hindi inaasahan ni Lanz na pakikialaman ng kanyang Lola Victorina ang kanyang buhay sa pangamba na hindi makapagtapos ng pag-aaral si Lanz.

Para siguraduhin na makaka-graduate si Lanz, binigyan ni Lola Victorina ng listahan ang kanyang apo na kailangan nitong sundin para patunayan na karapatdapat itong maging tagapagmana. Lahat ng kanyang kilos ay naka-monitor din. Pati routine, laman ng bag, ayos ng kuwarto, at classroom section ay pinakialaman na ng kanyang lola.

Matatagalan kaya ni Lanz ang pagsubok na ito? O isasawalang bahala na lang ang isang kapirasong papel na hindi lang mag-aayos ng kanyang buhay kundi magbibigay daan din para makilala ni Lanz ang babaeng nakatadhana para sa kanya?

Preview Room: https://www.facebook.com/BLACK-INK-479112765434082/photos/?tab=album&album_id=1239393502739334

Fake Job

Code: BIC0104
Genre: Gender Bender / Romance
Price: P99.75
Pages: 64
Paper: Bulky
Size: 6 x 9 inches

Status: Complete
Type: Comic

Fake Job
Written by Reira Francisco
Illustrated by Regine Lim

Maraming FAKE sa mundo. FAKE na accesories, FAKE na gadget, at FAKE na kaibigan. At maniniwala ba kayo na meron ding FAKE na trabaho? Believe it… dahil ito ang trabaho ko. Hindi ako babae. At lalong hindi ako bakla. I’m a straight guy that knows how to act like a girl. And this is my FAKE JOB!

Preview Room: https://www.facebook.com/media/set/?set=a.1076236882388331.1073741964.479112765434082&type=3

Mr. Perfect / Yue’s Memories

Cover-Mr-Perfect

Code: BIC0100
Genre: Action / Sci-Fi / Romance
Price: P219.75
Pages: 192
Paper: bulky
Size: 5 x 7 inches

Mr. Perfect / Yue’s Memories
Written by Reira Francisco
Illustrated by Kathryn Buenavista-Salta

Mr. Perfect

Nang bumagsak ang mga bulalakaw sa langit ay humiling si Liza ng isang lalaking puwede niyang maging nobyo. Mabilis naman na natupad ang kahilingan ni Liza dahil bumagsak sa kanyang harapan si Xen-01, ang kanyang naging “Mr. Perfect.”

Pero ang hindi alam ni Liza ay sundalo na ginawang battle android si Xen-01 upang gamitin sa pakikipagdigma. At maaaring malagay sa panganib ang kaniyang buhay.

Yue’s Memories

Nais tuklasin ni Yue-02 ang kanyang mga nawalang alaala. Sino nga ba siya at ano ang dati niyang buhay bago sila ginawang mga sandatang pandigma? Meron pa kayang naghihintay kay Yue-02 mula sa nakaraan niyang buhay?

Preview Room: https://www.facebook.com/media/set/?set=a.1032740103404676.1073741955.479112765434082&type=3&uploaded=18

My Grandfather’s Last Wish

my grandfather's last wish

Code: BIC0078
Genre: Romance / Slice of Life
Price: P99.75
Pages: 64
Paper: bulky
Size: 6 x 9 inches

My Grandfather’s Last Wish
Written by Reira Francisco
Illustrated by Sita Alvarez

Si Zander Yutaka ay apo at nag-iisang tagapagmana ng pinakamayaman na businessman ng bansa. Nang mamatay ang kanyang lolo, nagulat siya nang marinig ang last will nito. Nakasaad sa last will na kailangan ni Zander na maging fiancée si Aiko Hotaru, isang babae na hindi pa niya nakikilala. Walang ideya si Zander kung ano ang pagkatao ni Aiko pero kailangan niyang magawa ang nakasaad sa last will bago pa matapos ang taon. Kung hindi ay mawawala sa kanya ang karapatan bilang tagapagmana ng lahat ng ari-arian na iniwan ng kanyang lolo.

Para mapalapit si Zander kay Aiko ay kinailangan niyang tumira sa apartment na malapit sa pamilya Hotaru at pumasok sa school kung saan puwede silang magkita araw-araw. Pero paano kakayanin ni Zander ang pagsubok ng kanyang lolo at paano niya iibigin ang isang babae na sa simula pa lang ay may bad impression na sa kanya?

Preview Room: https://www.facebook.com/media/set/?set=a.765550033457019.1073741887.479112765434082&type=3

Terropian Princess

terropian princess

Code: BIC0070
Genre: Gender Bender / Fantasy / Romance
Price: P99.75
Pages: 64
Paper: bulky
Size: 6 x 9 inches

Terropian Princess
Written by Reira Francisco
Illustrated by Florineil Fondevilla

Si Ashien ay isang prinsesa mula sa mahiwagang mundo ng Terropia, kung saan ang magic ay isang pangkaraniwang bagay lamang. Nagulo ang payapang buhay ng mga Terropian nang dumating si Jhaleel na kilala rin bilang dark prince. Nais ni Jhaleel na gawing reyna niya si Ashien. Ngunit tumanggi si Ashien at nagawa ni Jhaleel na wasakin na lamang ang kanilang mundo. Upang mailigtas ang prinsesa ay gumamit ng forbidden magic spell ang kanyang ina na si Reyna Liona. Itinago siya nito sa ibang mundo at katauhan. Si Prinsesa Ashien ay naging si Keith, isang guwapong binata na naninirahan sa earth.

Preview Room: https://www.facebook.com/media/set/?set=a.683552821656741.1073741864.479112765434082&type=3