Rebound

Print

Code: BIC0133
Genres: Romance / Comedy / Sports
Price: P99.75
Pages: 64
Paper: bulky
Size: 6 x 9 inches
Status: Complete
Type: Comics

Rebound
Written by Nald Tabuzo
Illustrated by Mike Banting

Rebound
– a ball or shot that bounces back after striking a hard surface; also the type of relationship that happens because a person may be consciously or unconsciously finding ways to distract himself or herself from a painful breakup.

Preview Room: https://www.facebook.com/pg/BLACKINKBOOK/photos/?tab=album&album_id=1582813028397378

Advertisements

Drift

drift-front-cover

Code: BIC0130
Genres: Girls’ Love / Action / Comedy
Price: P99.75
Pages: 64
Paper: bulky
Size: 6 x 9 inches
Status: Complete
Type: Comics

Drift
Written by Nald Tabuzo
Illustrated by Godley Malabanan

Sekreto…

Kung minsan, mahirap na rin iyong itago.

Hindi lang kasi ang pagiging special agent ko ang itinatago ko kay Lory…

Kundi pati ang nararamdaman ko para sa kanya.

Preview Room: https://www.facebook.com/479112765434082/photos/?tab=album&album_id=1333206243358059

06.28.2016

Meet Nald Tabuzo…

Isa si Nald Tabuzo sa mga manunulat ng Black Ink na kayang magsulat ng western at eastern style na comics. Kabilang sa mga una niyang kuwento ang series na The Reapers, Bloodhounds, at X.O. – The Fighting Senadora. Sumunod na mga sinulat niya ang mga SHORTCUTS na Chichiru, For a Pair of Legs, Rose, Some Sweat, Some Love, Fearless, A Trip to Mierville, Xana, Hashtag Love, Hashtag Time, Hashtag Riva, at The Rocker and The Balladeer. Naging bahagi rin si Nald ng mga proyektong base sa mga Precious Hearts Romances na pocketbooks. Isinulat niya ang comics manuscript ng Wandering Heart, Blue Nights, My Favorite Bully, at An Encounter to Love. Bukod pa doon ang mga naisulat niyang stand-alone na comics na Z at Dark Sun Treasure. Sa dami ng nagawa niyang istorya masasabing prolific writer na siya. Pero sa tingin namin hilig lang talaga niya ang pagbabasa at paggawa ng mga kuwentong kakaiba. Kung nais ninyong malaman paano siya nagsimulang magsulat, heto ang sagot niya…

IMG_20160628_094352
TRIVIA: Nald Tabuzo also uses the pen name Kuting na Basa.

Sa local comics ako nag-start magsulat. Walang partikular na writer na masasabi kong naka-inspire sa ‘kin. I think, nagsimula ang interes ko sa writing o storytelling sa Funny Komiks. As a kid kasi, parang dinadala ako nito sa ibang mundo. Lumalawak ang imagination ko. And in the process, gusto ko na ring lumikha ng ibang mundo—na ma-cre-create ko lang through writing.

Sa manga, I could say na late bloomer ako. Bago sa ‘kin ang mundong ito, at hanggang ngayon, patuloy pa rin akong nag-aaral sa iba’t ibang aspeto nito. Mas nakakapanood ako ng anime kaysa nakakabasa ng manga. Recently, natapos kong basahin ang “Your Lie in April”—sa online lang.  Nagustuhan ko ang kainosentihan at kaseryosohan ng manga.

nald books

Karamihan, galing sa Komikon at Black Ink ang koleksiyon ko ng graphic novels o manga. Hindi ako ‘yong serious collector talaga. Since I write scripts, parang given na magkaroon ako ng mga gawa ng ibang artists o writers para mabasa ko rin sila, at suporta rin kasi ito sa kanila. ‘Yong bulk nito, nakuha ko from 2012 to present. Sana, dumami pa ang raket para mas madagdagan pa sila. ^_^

An Encounter to Love

12304177_1122151474463538_7525881731669589727_o

Code: BIC0118
Genre: Romance / Comedy – (based on the PHR novel)
Price: P169.75
Pages: 128
Paper: bulky
Size: 5 x 7 inches

An Encounter to Love
Based on the PHR novel An Encounter to Love by Victoria Amor

Written by Nald Tabuzo
Illustrated by Sita Alvarez

Dahil sa isang aksidente kaya nagkakilala sina Zevio at Laureen. Nasa ospital si Laureen at inaaway ang walang malay na katawan ni Zevio nang bigla itong magsalita. Pero hindi si Zevio mismo ang nakikita at nakakausap ni Laureen kundi ang kaluluwa lang ni Zevio. Inakala ni Laureen na lulubayan agad siya ng lalaki kung matatakbuhan niya ito. Pero nagkamali siya. At ang masaklap nais ni Zevio ay payagan siya ni Laureen na magsama sila ng pitong araw. Nais kasi ng lalaki na makabawi sa mga taong nasaktan nito.

Napipilitan man ay tinulungan ni Laureen si Zevio na makausap ang pamilya nito. At sa loob lang ng pitong araw ay nahulog ang loob ni Laureen kay Zevio.

Preview Room: https://www.facebook.com/media/set/?set=a.1122157744462911.1073741983.479112765434082&type=3

My Favorite Bully

my favorite bully

Code: BIC0102
Genre: Romance
Price: P99.75
Pages: 64
Paper: Bulky
Size: 6 x 9 inches
Status: Complete
Type: Comic

My Favorite Bully – (based on the PHR novel)
Written by Nald Tabuzo
Illustrated by Crisca Jallorina

Six-pack abs. Toned biceps. Broad shoulders. Chiseled jawline.

Kahit saang anggulo tingnan ni Tyra ang lalaki ay masasabi niyang super hot ito. Pero hindi makapaniwala si Tyra na si Colin, na dating obese at walang ka-appeal-appeal sa kanya, ang lalaking nakikita niya ngayon. Niligawan siya ni Colin noon at binasted pa nga niya.

At ngayon, nais ni Colin na akitin si Tyra. Pero ayaw pa rin ni Tyra sa binata. Iniisip kasi ni Tyra na mayroon siyang sumpa. Walang lalaki ang magtatagal sa buhay niya at wala na siyang karapatang lumigaya.

Preview Room: https://www.facebook.com/media/set/?set=a.1062332157112137.1073741957.479112765434082&type=3

Blue Nights

blue nights

Code: BIC0083
Genre: Fantasy / Romance / Slice of Life – (based on the PHR novel)
Price: P169.75
Pages: 128
Paper: bulky
Size: 5 x 7 inches

Blue Nights
Written by Nald Tabuzo
Illustrated by Crisca Jallorina

Blue Nights… Isang pangyayari kung saan itinataboy ng hangin ang mga ulap sa isang direksiyon kaya natatakpan ang liwanag ng buwan. Pero dahil new moon ay tumatagos lang sa mga ulap ang sobrang liwanag ng buwan kaya nagiging asul ang kapaligiran. Very unusual ang kaganapang ito… Tulad ng pag-ibig nina Cristine at Seiran sa isa’t isa…

Preview Room: https://www.facebook.com/media/set/?set=a.803403369671685.1073741903.479112765434082&type=3

Wandering Heart

wandering heart

Code: BIC0071
Genre: Fantasy / Action / Slice of Life – (based on the PHR novel)
Price: P99.75
Pages: 64
Paper: bulky
Size: 6 x 9 inches

Wandering Heart
Written by Nald Tabuzo
Illustrated by Enjelia Villanueva

Nalulungkot si Jesi. Paano ba naman, ikinasal na si Vida habang si Dani ay engaged na. Siya pa naman ang pinaka-atat na magka-love life sa kanilang magkakaibigan. Pero walang nanliligaw sa kanya.

Maganda naman siya… O akala lang ba niya iyon? Pati kasi ang nerd na si Sky ay tinanggihan siyang maka-date. Worst, nangyari ang pag-reject nito sa kanya sa harap ng maraming tao.

Kaya naman nagdeklara na siya ng giyera kay Sky nang sugurin niya ito sa bahay nito.

“I’m not going to leave until you fall in love with me!”

Pinatulan naman siya ni Sky.

“I’m not going to fall in love with you no matter what you do,” sabi nito.

Preview Room: https://www.facebook.com/media/set/?set=a.649002921778398.1073741856.479112765434082&type=3

X.O. The Fighting Senadora

1157567_649006075111416_655303555_n

Code: BIC0072
Genre: Action / Slice of Life – (For Mature Readers)
Price: P99.75
Pages: 64
Paper: white
Size: 6 x 9 inches

X.O.: The Fighting Senadora
Written by Nald Tabuzo
Illustrated by Jim Jimenez

Rule number one:

Don’t kill anybody.

Sinadya mo man o hindi, ginusto mo man o hindi, makakabigat ‘yon sa dibdib mo… Kahit sabihin pang karapat-dapat nang mamatay ang kalaban mo.

Rule number two:

Don’t get killed.

Preview Room: https://www.facebook.com/media/set/?set=a.649007478444609.1073741858.479112765434082&type=3

Ice Man and the Queen of Ice / The Rocker and the Balladeer / Who Is My Romeo?

BIC0091

Title: SHORTCUTS – VOLUME 17 – Ice Man and the Queen of Ice / The Rocker and the Balladeer / Who Is My Romeo?
Code: BIC0091
Genres: Romance / Slice of Life / Anthology
Price: P79.75
Pages: 64 (20 pages each story)
Paper: bulky
Size: 6 x 9 inches
Type: 3-in-1 Comics
Language: Tagalog / Taglish (mix of Tagalog and English)

Ice Man and the Queen of Ice
Written by Jake Vicente
Illustrated by Kirejan Javier

“Bakit hindi mo kilalanin iyong magiging fiancée mo? Bigyan mo siya ng pagkakataon na makilala ka rin niya. Lahat naman ng “right one” nag-uumpisa sa hindi muna magkakilala, eh.”

The Rocker and The Balladeer
Written by Nald Tabuzo
Illustrated by Columbia Kho

“Ken’s cute but he’s not my type. He’s got tattoos, long hair, goatee… Si Ryo ang favorite singer ko. Isang balladeer.”
 
Who Is My Romeo?
Written by Reira Francisco
Illustrated by Crisca Jallorina

“Dumating ang gabi ng prom. Hindi man natupad ni Ted ang pangako niya sa ‘kin, masasabi kong masaya pa rin ako. Si Ted ang tumulong sa ‘kin para pumili ng bagong Romeo ko.”

Preview Room: https://www.facebook.com/media/set/?set=a.884246341587387.1073741926.479112765434082&type=3

Hashtag Love, Hashtag Time, Hashtag Riva / Pen Pal sa Pader / Eroplanong Papel

[BIC0068]Shortcuts

Title: SHORTCUTS – VOLUME 14 – Hashtag Love, Hashtag Time, Hashtag Riva / Pen Pal sa Pader / Eroplanong Papel
Code: BIC0068
Genres: Romance / Fantasy / Slice of Life / Anthology
Price: P79.75
Pages: 64 (20 pages each story)
Paper: bulky
Size: 6 x 9 inches
Type: 3-in-1 Comics
Language: Tagalog / Taglish (mix of Tagalog and English)

Hashtag Love, Hashtag Time, Hashtag Riva
Written by Nald Tabuzo
Illustrated by Mike Banting
 
“Hindi ko lang masabi agad pero nang magdesisyon akong gamitin ang relong ibinigay niya, ipinangako ko sa sarili ko na ilalaan ko na ang oras ko sa kanya.”

Pen Pal sa Pader
Written by Maria Cornelia Sanchez-Damaso
Illustrated by Crisca Jallorina

“Ito na ang magiging huling sulat ko sa ‘yo, kasi alam ko na kung sino ka. At ang sagot ko sa tanong mo… oo, gusto rin kita.”
 
Eroplanong Papel
Written by Diana Lam
Illustrated by Rica Angela Padullo

“Kung itatanong uli sa ‘kin ni Cielo ang tanong na: Kung isa kang eroplanong papel, saan mo gustong pumunta? Alam ko na ang isasagot ko.”

Preview Room: https://www.facebook.com/media/set/?set=a.743867062291983.1073741884.479112765434082&type=3